184 - Galak Akong Titindig sa Paanan ng Krus

Galak akong titindig sa paanan ng krus,
Anino ng isang batong matibay na lubos;
Yaon ay isang tahanan sa gitna ng ilang,
Pahingahan at kanlungan sa tabi ng daan.

Doon sa krus ni Jesus aking namamalas
Siya na dahil sa aki'y namatay, naghirap;
Sa puso kong nasumbatan aking nadarama:
Di karapat-dapat ako sa pag-ibig Niya.

Papasanin ko, Oh krus, ang iyong anino;
Liwanag ng Kanyang mukha ay s'yang ligaya ko;
Tanging ikinahihiya ng sariling aba,
Ay ang buhay kong sa sala'y lubhang
nariwara.

0:00 0:00